Masyado kang nagmamalinis, janitor ka ba?

Yung mga taong kung makapagmalinis, dinaig pa ang janitor. Yung totoo? Perpekto ka ba? Ni isang mistake ba wala kang nagawa sa buhay mo? Sobrang linis mo ba at kung makapagsalita ka ay dinadaig mo pa ang santo?

Hindi ko alam kung anong problema ng mga taong kung makapag-judge sa iba, akala mo naman napakaperpekto at galing nila. Napakachildish at pathetic. Seriously? Get a fucking life. Tao lang tayo, lahat naman may karapatang magkamali. Lahat naman may karapatang mabuhay sa kung anong paraan nila gusto. Hindi ba pwedeng manahimik nalang kung walang magandang sasabihin? Hindi ba pwedeng pabayaan mo nalang yung isang tao sa kung ano siya? Kung hindi ka naman niya pinapakialaman, eh di huwag mo rin siyang pakialaman. Buhay niya yan. Kung hindi ka naman nasasaktan at naaargadyado, eh wag ka nang makisawsaw sa mga trip niya sa buhay. Dahil unang-una, wala kang pakialam sa kung paano niya gustong patakbuhin ang buhay niya. Libre manahimik.