04/11/12 — Mentally unprepared.

Online Viewing of Grades, sa school — Satisfied naman ako sa grades ko, although nanghihinayang ako kasi mababa yung iba. At mababa din ang GPA ko ngayon. So sed. Pero keri lang, atleast, yung mga major subjects ko, pasado! Walang tres at walang singko. ;)

Appointed as President ng aming Organization — So nagmeeting kami kanina tungkol sa pagbabalik ng organization ng Multi-Media Arts. Naappoint ako as President. Mentally unprepared ako. Physically, kaya ko ang trabahong yun, pero mentally? mahina ako. Nung una, ayaw ko talaga. Naniniwala kasi ako na hindi ko kaya yung trabahong yun at tila nakapabigat. Siguro, mas ginusto ko pa maging Mayor ng klase kesa maghandle ng isang College Org. Nakakatuwa lang isipin na suportado ka ng mga kaklase mo at pinagkakatiwalaan. Pero ayoko talaga sa kadahilanang alam kong mabibitter yung dating President. Ayoko din namang punan ang isang pwestong ako mismo ay di sigurado. Pero siya na mismo ang nagsabing tutulungan niya ako at yun ang nagbigay ng Go signal sakin kanina. Sana lang totoo yung sinabi niya. ;) So siguro, magbabait na ako sa kanya. At magpapakatino na ako dahil nakakahiyang i-down ang mahal kong course. O:)